Takot Ka Bang

by Admin |

Karaniwan na ang maraming 4th year high school students ay takot sa mga college entrance tests lalo na sa UPCAT dahil hindi nila alam kung anu-ano ang itatanong dito at kung paano sila matatanggap sa kursong gusto nila. Totoo naman na kapag marami kang hindi alam tungkol sa isang bagay, talagang makaka-isip ka ng mga negatibong pag-iisip at dahil doon ay nababalutan na ng takot ang buo mong pagkatao hinggil sa bagay na

 

Takot Ka Ba?

Ang isang magandang paraan para magamit ang takot na nararamdaman ay tingnan ito na parang sign post para mas alam mo ang mga tamang hakbang tungo sa layunin mong makapasa sa UPCAT – mga hakbang na magpapadagdag ng iyong kaalaman para mas maintindihan mo ang pasikot-sikot at mga importante pero kaunti lang ang nakakaalam na mga detalye tungkol sa UPCAT.

Bigyan kita ng halimbawa para maipakita ko sa iyo ang ibig kong sabihin:

Si Maron ay isang third year high school student  na gustong magkolehiyo sa UP. Nagsimula syang mag-review para sa UPCAT December pa lang. Aral sya ng aral pero hindi nya alam ang dapat nyang aralin, basta aral lang sya ng aral.

Sa kaibuturan ng puso at isip nya, alam nya na para syang nangangapa sa dilim dahil wala syang ideya kung saan sya dapat mas mag-focus ng kanyang pagre-review kung kaya habang sya ay nag-aaral, nararamdaman nya ang takot, ang takot na matalo sya ng kapwa nya nangangarap na makapasa sa UP – matalo sya sa campus na gusto nya, matalo sya sa kurso na gusto nya.

Hanggang isang araw, naisip ni Maron na ang ugat ng pagkatakot nya ay ang mga bagay na hindi pa nya nalalaman tungkol sa UPCAT. Kung kaya siya ay naghanap ng mga kasagutan sa mga bagay na bumabagabag sa kanya. At saan nya mahahanap ang mga bagay na ito – sa INTERNET!

Buong linggo syang nag-search at inaral ang mga na-search nya at sa katapusan ng linggong iyon, nasagot ang karamihan ng mga tanong nya. Ngayon, alam na nya ang dapat gawin .

Ang nakakatuwa pa dito, nabuo ang tiwala ni Maron sa kanyang sarili dahil sa mga impormasyong nalaman nya – mga UPCAT tips, mga sample ng UPCAT questions, at higit sa lahat, mga online friends na sa internet lang nya nakilala – mga bagong kaibigan na nangangarap ding makapasa sa UPCAT.

Itong karanasan na ito ang nagturo kay Maron ng isang mahalagang aral na hindi nya malilimutan:

“Kapag mas alam mo, mas may tiwala ka sa sarili mo.
At pag may tiwala ka sa sarili mo, magtatagumpay ka!”

Ngayon, ka-TOURs, hinahamon kita na harapin ang iyong takot at gamitin ito na parang sign post upang mas dumami ang iyong kaalaman tungkol sa UPCAT.

Kapag mas madami kang alam tungkol sa UPCAT, makikita mo na hindi lang mawawala ang takot mong ‘di makapasa sa UPCAT, mas lalaki pa ang tiwala mo sa sarili mo na makamit ang pangarap mong makapasa sa UPCAT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *