Pataasin ang Iyong Iskor: 7 Mabibisang Gawi ng Kukuha ng UPCAT

by Admin |

adaptasyon ng artikulong Improving Your Score: 7 Habits of Highly Effective Test Takers)Si Becky ay isang 16 na taong gulang mula sa Marikina. Mahilig siyang magluto at maglakbay. Balak niyang kumuha ng kursong BS Hotel, Restaurant & Institution Management sa UP Diliman.

Ang mga buwan ng Hunyo at Hulyo ay panahon na pinakaayaw ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon. Ito kasi ang puspusang paghahanda para sa UPCAT.

Bawat isang mag-aaral ay nais na makapasa sa UPCAT at para makasiguro na mataas ang makukuhang iskor, narito ang:

 

 

Pitong Mabibisang Gawi ng Kukuha ng UPCAT

1. Magsimulang Magrebyu BAGO ang Linggo Bago Mag-UPCAT.

Para sa ilang mag-aaral, ang cramming ay nakakatulong at mahalaga, pero hindi ito uubra sa UPCAT. Kapag mas maaga kang nagrebyu, mas mataas ang tsansa na matandaan ang mas maraming impormasyong iyong kailangan para sa UPCAT.

2. Paulit-Ulit na Pagrerebyu

Ang makalikha ng pang-araw-araw na iskedyul ng pagrerebyu ay isang magandang paraan para mapaghandaang mabuti ang UPCAT. Para ang mga pinag-aralan ay manatili sa long term memory, kailangang ma-praktis ang tinatawag ng mga psychologists na “memory maintenance and rehearsal.” Ang paulit-ulit na pagrerebyu ang siyang magpapadali sa iyong utak para maalala ang mga impormasyon na iyo uling makikita sa UPCAT.

3. Magrebyu Kasama ang mga Kaibigan

Kung alam mo sa sarili mo na kaya mong manatiling naka-pokus, ang pagrerebyu kasama ng iyong mga kaibigan ay isang mabisang paraan para makatulong sa iyong paghahanda para sa UPCAT. Kailangan mong magamit ang lahat ng iyong sentido habang nag-aaral, at kung may kasama kang nagrerebyu, magiging mas alerto ang iyong mga sentido kesa kapag ikaw ay mag-isa lamang na nag-aaral.

4. Matulog

Kailangan mo nang sapat na haba ng oras ng pagtulog sa gabi bago mag-UPCAT. Ikaw rin naman, mas gusto mo na lubusan kang nakapahinga bago ka mag-UPCAT. Kung gagawin mo ang pagtulog nang maaga sa mismong gabi lang bago ang UPCAT, baka ikaw ay mahirapan. Simulan mo nang sanayin ang iyong katawan na matulog nang mas maaga kesa sa nakasanayan upang hindi na mabigla pagsapit ng gabi bago ang UPCAT. Pinakamainam na sanayin mo ang sarili na matulog ng walong oras upang maging mas mabilis ang utak sa pag-alaala ng mga impormasyon.

5. Maging Handa sa Araw ng UPCAT

Hindi mo alam kung ang room kung saan ka mag-u-UPCAT ay mainit ba o malamig ba, kung may orasan bang nakasabit sa dingding o wala. Magsuot ka ng damit kung saan ikaw ay komportable anuman ang temperatura ng gagamitin ninyong kwarto. Magdala ng relos. Magdala rin ng ‘di kukulangin sa tatlong lapis – ‘yung mga tasa na.

6. Juicy Fruit o Menthos

Ang pagnguya ng bubble gum habang nag-u-UPCAT ay maaaring makatulong sa pagtaas ng konsentrasyon at pokus. Ito ay lalong totoo sa mga tinatawag na kinesthetic learners (mga taong natututo sa pamamagitan ng paggawa).

7. Gumawa ng Plano

Para mabawasan ang kaba, planuhin agad ang mga bagay na gagawin halimbawang natapos na ang UPCAT. Tanungin ang mga kaibigan o katropa kung nais nilang manood ng sine o mamasyal sa mall o kumain kapag sa wakas ay natapos na ang UPCAT. Sa paraang ito, ang utak at katawan ay matatanggalan ng stress pagkatapos ng UPCAT. Iyong pakatandaan – wala ka nang magagawa sa resulta ng UPCAT kapag natapos na ang UPCAT!

_____________________
Ang ilan sa mga nabanggit sa itaas ay detalyadong ipapaliwanag sa darating na Hulyo 24 sa 37 Tips Workshop. Baka nga ang ilan ay direktang kontrahin ni Sir Neb sa kadahilanang may mas mabisang tips siyang ituturo sa inyo sa workshop. Tandaan nyo na ang artikulong ito ay adaptasyon lamang ng Improving Your Score: 7 Habits of Highly Effective Test Takers

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *