2

Ang Buntot ng Dalawang Aplikante sa UPCAT

by Admin |

(Isang kakaibang adaptasyon ng “How the EEAS Works: A Tale of Two Applicants”)

Marso na. Katatapos lang ng periodical exams. Si Buboy Talino ng Brgy. Dila, Bay, Laguna ay paalis na ng kanyang paaralan. Iniisip na, sa wakas, tapos na rin ang klase. Gayundin naman ang katropa niya na si Ruben Masigasig ng Brgy. Masaya, Bay, Laguna. Paalis na rin siya. Ramdam din ni Ruben ang parehong ginhawa sa pakiramdam ng pagtatapos ng kanilang 3rd year sa high school. At sa kaginhawaang iyon, naroroon din ang pakiramdam ng alinlangan ng maaring mangyari hinaharap. Kapwa nila batid na malapit na silang mag-4th year at pagkatapos noon, buhay kolehiyo na.

Kung susuriin, halos walang pinag-iba ang performance ng dalawang magkaibigan sa eskwela. Di nagkakalayo ang grades nila sa Math, Science at English. Masasabing pareho silang “normal” na estudyante. Bagaman sila ay may kaunting kakulitan, sila naman ay pasado sa lahat ng asignatura nila sa eskwela. Muntik pa ngang ma-honor ang dalawa, kundi lang sa guro nila sa Math na mahirap magpa-exam at mababang magbigay ng grade.

Sayang, pero ganyan talaga.

Kapwa nila alam na dahil tapos na ang 3rd year, isa rin sa dapat nilang paghandaan ay ang UPCAT. Dahil malapit sila sa isang UP campus, kultura na sa lugar nila na paghandaan ang UPCAT sa pamamagitan ng pagsali sa isang UPCAT review. At batid nila na ang paghahanda para sa UPCAT ay nagaganap tuwing bakasyon ng summer. Kada taon, daang-daang estudyante ang nagre-review sa UPCAT sa lugar nila. At ngayon, kabilang na sila sa mga iyon.

Iba na talaga ang panahon ngayon. Noong panahon ng mga nanay nila, wala namang review review. Mag-e-exam lang, tapos yun na yun. kung pasado, ok. Kung hindi, eh di hindi. Pero ngayon, kabi-kabila na ang mga review centers. Mismong mga eskwelahan nga, may review center na sa loob ng eskwelahan. May mura, may mahal. Kanya-kanya din ng estilo para makakuha ng estudyante. Walang clearance sa guro pag di nag-enroll. Naglalagay ng advertisments… sa dyaryo, sa magasin, sa radyo, sa poste… pati sa jeep meron din. May gumugimik, may naninira, may nagpapabida, at may nagsisinungaling. Parang pulitika na rin.

Dala na rin ng kultura, sumali sina Buboy at Ruben sa isang review center. Araw-araw ay pumapasok sila para pag-aralan ang mga nagpag-aralan na nila. Tatagal daw iyon ng dalawang linggo. Sa loob-loob nila, “Buti na lang, tatlong linggong pasok lang.” At sa pagkakataong ito, dito na nagkaroon ng pagkakaiba kina Buboy at Ruben. Naisip ni Ruben, “Kung ako ay pumapasok sa review at sila ay pumapasok sa review, ano ang pagkakaiba ko sa kanila?

Natapos ang dalawang linggong review. “Yes! Bakasyon na talaga!” ani Buboy. Pero hindi gayon ang nasa isip ni Ruben. Iniisip nya na gusto talaga niya makapasok ng UP. At dapat gawin niya ang mga bagay-bagay para matupad niya ito. Dapat.

Kasisimula pa lang ng Mayo, pero wala nang review. At tunay nga, todo bakasyon si Buboy. Laro, tulog, lakad barkada at kung anu-ano pa. Naisip rin niya na maghanap ng summer job pero nang maglaon ay tinamad din siya. Si Ruben ay gayun din. Dahil bakasyon, di niya pinigilan ang sarili na mag-enjoy at magpahinga. Laro at lakad barkada rin. Naisip niya rin ang summer job. Ngunit di siya nakakalimot na kukuha siya ng UPCAT. Naglalaan siya ng trenta minutos hanggang isang oras kada araw para maghanda ukol sa UPCAT. May nahiram siyang mga libro at materyales ng isang dating nagreview. Inaral niya iyon. Naghanap din siya ng mga website sa internet na tumatalakay sa UPCAT. Natuklasan niya na may online review na rin pala. Nagpraktis siya sa pagkuha ng multiple choice test. Nangalap ng mga tips. Trenta minutos lang kada araw.

May kasabihan tayong mga Pinoy, buntot mo, hila mo!

Inayos ni Ruben ang kanyang buntot. Inihanda para madali ang paghila sa pagsapit ng UPCAT. Naisip niya na walang ibang makakapag-ayos ng kanyang buntot kundi siya lang. At wala rin ibang hihila noon kundi siya lang. 

Sumapit ang Agosto… Kapwa sila kumuha ng UPCAT.

Sino ang pumasa?

Sa buntot pa lang, alam niyo na kung paano nagtapos ang kwento. 🙂

Comments 2

  1. déc04Stef Ce modèle m’attire vraiment, mais ils font vraiment ch..r avec leurs radios, dès que le mode 3 est dispo je crois que je tente, ou alors attendre une éventuelle compatibilité DSM2…. ;-(Ceci dit, sympas tes tests Fred continue comme ça !

  2. psyn attempts the same desperate move their whole community makes in places like Argentina, where Jews try to convince the Spanish/Italian populace that they’re “Afro-Argentine”, even though you’d be hard-pressed to find one Negro in the country for the last 100 years.Jews are a pathetic bunch. Degrade, divide and diminish in any way, because that is all the Jew-Gypsy knows. As long as the circus stays open, the Jew can “work”, but the show is almost over.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *